Legal:Impormasyon sa Pakikipag-ugnayan sa Pundasyong Wikimedia para sa Legal at Seguridad
Ang websayt na ito at ang iba pang mga Proyekto ng Wikimedia ay hino-host ng Pundasyong Wikimedia, Inc., isang 501(c)(3) na organisasyong pangkawanggawa na walang layuning kumita sa Estados Unidos na nakatuon sa paghihikayat ng paglago, pag-unlad, at pamamahagi ng malaya at maramihang-wikang nilalaman, at sa pagbibigay ng buong nilalaman ng mga proyektong ito na nakabatay sa wiki sa publiko nang walang bayad. Nakarehistro ang Pundasyong Wikimedia sa Florida, na may kodigong entidad na N03000005323, at may punong-tanggapan sa San Francisco, California.
Mga usaping legal
Kailangan mo bang makipag-ugnayan sa Kagawaran ng Legal ng Pundasyong Wikimedia (kabilang ang pag-uulat ng isang bagay na pinaniniwalaan mong labag sa batas)? Ang sumusunod na gabay ay para sa iyo.
Mahahalagang paalala
Pag-unawa sa tungkulin ng Pundasyong Wikimedia
Ang Pundasyong Wikimedia ay ang nagpapatakbo ng mga server at nagbibigay ng teknikal na suporta para sa mga websayt tulad ng Wikipedia at iba pang mga Proyekto ng Wikimedia. Gayunman, mahalagang maunawaan na ang Pundasyon, sa pangkalahatan, ay:
- Hindi lumilikha, nagbabago, o namamahala ng nilalaman sa mga websayt na ito.
- Hindi kumokontrol o direktang nangangasiwa sa mga kilos ng mga gumagamit ng websayt (kabilang ang mga pangkat ng gumagamit tulad ng mga "tagapangasiwa").
- Hindi nagtatakda o nagpapatupad ng mga patakarang patnugutan para sa mga proyekto.
Ang lahat ng mga gawaing ito ay isinasagawa ng pamayanan ng mga gumagamit — ang pangkalahatang publiko na nag-aambag sa at nagpapanatili ng mga Proyekto ng Wikimedia.
Ang Pundasyong Wikimedia ay hindi umaako ng pananagutan para sa mga kilos ng mga kasapi ng pamayanang ito. Sa mga pambihirang pagkakataon, kapag may isang taong kumikilos bilang opisyal na kinatawan ng Pundasyon sa mga websayt na aming hino-host', ito ay malinaw na ipahahayag. Karaniwan, ang pangalan ng kanilang akawnt ay naglalaman ng "-WMF", "(WMF)", o "WMFOffice".
Paano lutasin ang mga alalahanin tungkol sa nilalaman
Karamihan sa mga isyu ay maaaring malutas nang direkta sa pamamagitan ng pamayanan ng mga gumagamit.
Halimbawa, sa Wikipedia, maaaring magpasya ang pamayanan na muling isulat ang mga artikulo kung ang mga ito ay hindi sapat na "walang kinikilingan" o "ensiklopediko", samantalang nag-aalis lamang karaniwan ng nilalaman ang Pundasyong Wikimedia para sa mahigpit na mga legal na dahilan.
Dahil dito, mas marami ang magagawa ng pamayanan ng mga gumagamit para sa iyo kaysa sa Pundasyong Wikimedia. Kaya naman, lubos kang hinihikayat na talakayin muna sa pamayanan ang anumang mga alalahanin na mayroon ka. Nasa baba ang gabay.
Karaniwan, hindi mo kailangan ng abogado upang makipag-usap sa pamayanan o sa Pundasyong Wikimedia.
Paano makipag-ugnayan sa pamayanan
Maaari mong ibahagi ang iyong mga alalahanin sa pamamagitan ng paglalathala ng mensahe sa mga Usapang Pahina ng kaugnay na proyekto. Karaniwan, hindi mo kailangang magrehistro ng akawnt upang makapaglahad ng mga mensahe sa mga pahinang iyon. Pindutin lamang ang link na "Baguhin" o "Magdagdag ng paksa" sa kaukulang pahina. Ang ilan sa mga Proyekto ay may mga karagdagang natatanging kakayahan upang makatulong sa paglutas ng mga reklamo tungkol sa nilalaman. Halimbawa:
- Sa Wikimedia Commoms, maaari mong pindutin ang "Magnomina para sa Pagbura" sa tabi ng isang larawan o iba pang midya.
- Sa Wikipediang Ingles, maaari mong gamitin ang Edit Request Wizard upang hilingin ang pagbabago sa artikulo.
Kung hindi ka sigurado kung paano o saan ito gagawin, o kung mas nais mong talakayin ang iyong isyu sa pamamagitan ng email, maaari kang makipag-ugnayan sa Volunteer Response Team (VRT, o Pangkat ng mga Bolunyaryo sa Pagtugon) sa info@wikimedia.org. Mayroon ding mga natatanging adres ng VRT para sa ilang wika at mga Proyekto ng Wikimedia. Matatagpuan ang mga ito dito.
Paalala: Ang mga adres na ito ay para sa pakikipag-ugnayan sa mga kasapi ng pamayanan ng mga gumagamit. Ang pakikipag-ugnayan sa VRT ay hindi paraan upang makipag-ugnayan sa Pundasyong Wikimedia. Malamang na walang kaalaman ang Pundasyong Wikimedia sa anumang email na ipinadala sa mga adres ng VRT.
Kapag nakikipag-ugnayan sa pamayanan ng mga gumagamit, maging matiyaga, magalang, at makipagtulungan. Bahagi ang mga gumagamit ng pangkalahatang publiko at hindi nila kukunsintihin ang panliligalig o mga bantang legal.
Paano makipag-ugnayan sa Pundasyong Wikimedia
Kung sinubukan mo nang lutasin ang iyong usapin sa pamamagitan ng pamayanan subalit kailangan mo pa rin ng pormal na tulong, maaari kang direktang makipag-ugnayan sa Pundasyong Wikimedia.
Dapat ipadala ang mga email sa legal
wikimedia
org.
Ang adres ng nakarehistrong tanggapan ng Pundasyong Wikimedia ay matatagpuan dito. Gayunman, pakitiyak na ang mga pisikal na sulating legal lamang ang ipapadala sa: Wikimedia Foundation c/o CT Corporation System, 330 North Brand Boulevard, Glendale, California 91203-2336, USA
Mas mainam ang email. Mangyaring magpadala ng mga elektronikong dokumento sa pormat na nababasa ng kompyuter.
Kung kailangan mo ng impormasyon tungkol sa isang partikular na tagagamit ng websayt, mangyaring sumangguni sa Mga Pamamaraan at Patnubay ng Pundasyong Wikimedia sa Paghiling ng Impormasyon tungkol sa Tagagamit.
Karagdagang impormasyon para sa mga nasa Unyong Europeo ay matatagpuan dito.
Tungkol sa mga pangkat ng "Wikimedia"
Sa ilang bahagi ng mundo, ang mga tagasuporta ng mga Proyekto ng Wikimedia ay nagpapatakbo ng mga lokal na chapter, pangkat ng tagagamit, o iba pang "mga kaakibat o affiliate ng Kilusan". Ang mga ito ay hiwalay sa Pundasyong Wikimedia. Hindi nila kinakatawan ang Pundasyong Wikimedia, at hindi sila responsable sa pagpapatakbo ng mga Proyekto ng Wikimedia. Mangyaring magpadala lamang ng mga legal o pormal na liham sa mga lokal na grupong ito kung ang iyong usapin ay may kinalaman sa kanilang sariling mga gawain. Hindi sila dapat pormal na kontakin tungkol sa mga problemang may kaugnayan sa mga Proyekto ng Wikimedia.
Kaligtasan
Kung mayroon kang alalahaning may kaugnayan sa kaligtasan, maaari kang humingi ng tulong sa pamamagitan ng pag-email sa mga nakalaang adres ng email na maaaring kontakin anumang oras, 24/7:
- Mga banta ng napipintong pisikal na pananakit: emergency@wikimedia.org
- Mga pangkalahatang katanungan tungkol sa pagtitiwala at kaligtasan, at mga ulat ng pang-aabuso: ca@wikimedia.org
- Pagtatasa ng mga alalahanin tungkol sa pangangalaga ng mga bata: legal-reports@wikimedia.org
Seguridad
Upang mag-ulat ng isyu sa seguridad ng software na may kaugnayan sa websayt na ito, mag-email sa security
wikimedia
org o gamitin ang talatanungan para sa pag-uulat ng isyu sa seguridad sa Phabricator. Tingnan ang detalyadong patnubay sa pag-uulat ng mga bug.
Kung nakompromiso ang sarili mong akawnt, tingnan ang patnubay sa pagbawi ng akawnt.
Mga tanong para sa Pundasyong Wikimedia
Mayroon ka bang pangkalahatang katanungan para sa Pundasyong Wikimedia? Makipag-ugnayan sa aming tanggapan sa pamamagitan ng pag-email sa answers@wikimedia.org.
Tingnan ang impormasyon tungkol sa proseso ng answers@wikimedia.org.
